Monday, 17 September 2012

It's More Fun in the Philippines...weh?



What is wrong w/ what this guy said?

http://www.spot.ph/newsfeatures/50689/expats-20-reasons-why-i-dislike-ph-youtube-video-sparks-online-debate

http://mb.com.ph/node/354959/american-apologize

Ang kapal naman ng mukha nitong councilor Sisinio Andales achuchuchu.  Bakit may sinabi ba syang hindi totoo???

Sa totoo lang NAPAKARAMI pang dahilan to hate the Philippines.  Isa-isahin nga natin:

1.  Mga tambay na umaarteng 'traffic enforcer' dahil binabayaran sila ng mga jeep.  Dahilan ng traffic ng buong bayan.

2.  Kung saan may NO Loading/Unloading sign ay yun ang ginagawang terminal ng mga pinoy.  Siguro ay bobo talaga ang mga ito.  Kung minsan kung kelan pa nilagay ang sign ay saka pa ito gagawing terminal...bobo talaga.

3.  Mga pulis na pinaprioritize pa ang mga jeep at iba pang PUV na salot sa kalye.  Pahihintuin ang mga pribadong sasakyan para gawing terminal ng mga jeep at mga pasahero ang gitna ng daan.  Masaya nga naman if nakakaperhuwisyo ng buong bayan.

4.  Lahat ng makita mong police vehicles sa kalye ay nagccommit ng 'reckless driving.'  Pansinin mo, para ka nilang babanggain parati o biglang titigil sa gitna ng daan o sasalubungin ang isang one-way street.

5.  Mga pulis na ang ginagawa lang buong araw ay mangotong.  Lahat ay ganito.  Manghihingi ng kotong sa mga jeep at PUV's kaya kahit anong gawin nilang paglubag sa batas trapiko eh palalagpasin.  Pagkatapos ay huhulihin ang mga pribadong sasakyan (most of the time ng walang dahilan) para manghingi ng lagay kung hindi ay peperhuwisyohin ka nila.  Dati ay tinry kong hindi maglagay at ibinigay ang license ko.  Pagclaim ko sa LTO ang sabi nila sa akin sa susunod daw eh maglagay na lang ako at huwag ko na paabutin doon.  Ang saya diba?

6.  Mga jeep, bus, fx, etc., lahat ng PUV.  Tinatanong pa ba yan?  Since nangongotong ang mga pulis ay ito ang hari ng mga sasakyan.  Sa araw-araw ay ilang oras ang nasasayang sa buong mamamayan dahil nakatigil sa gitna ng kalye ang mga PUV at ginagawang terminal ang gitna ng kalye.  Kapag binusinahan mu sila ay sasabihan ka lang nila na 'lumipad ka.'  Ang saya talaga!

7.  Pollution.  Siguro 70% ng sasakyan ay nagbubuga ng itim na usok.  Ganito ka-3rd-world dito!

8.  Iskwater.  Pasensya ka na kung napagtripan ng mga skwater na nakawin ang lupang pinaghirapan mu sa pagbabanat ng buto.  Wala silang pakialam dahil ayaw nilang magtrabaho.  Gusto lang nila ay libre lahat.  Trip din nila nagtatapon ng kanilang mga basura sa ilog.  Trip nila na ma-ondoy at habagat tayong lahat.  It's more fun in the Philippines!

9.  Mga hold-up na nangyayari sa harapan ng police stations o ginagawa mismo ng mga pulis

10.  Coding.  Pasensya ka na sabi ko nga hari ang mga PUV sa pinas.  Hindi mu pwede gamitin ang kotse mo dahil pangpadagdag ka daw sa traffic na PUV's lang ang may karapatan gumawa.

11.  Mga pulis na dahilan ng traffic.  Mga bobong pulis na pilit na pinapa-go ang mga sasakyan kahit walang pupuntahan.  O di kaya nakatayo sa ilalim ng traffic light pero walang pakialam.  Sabi ko nga trip ng lahat na lahat tayo ay magdusa araw-araw.

12.  Mga corrupt politicians at government employees.  Lahat dito ay pwede bayaran.

13.  Mga pulubi.  Pasensya ka na, marami talagang pulubi dito na lalapit sa sasakyan mo habang nakatigil ka.  At pag di ka nagbigay ay susuntukin o sisipain ang sasakyan mo.

14.  Bawal na ngayon ang styrofoam at plastic sa ibang lugar.  Mapagpanggap talaga ang mga pilipino.  Sa dinami-daming nakalista sa taas ay ito pa ang napagdiskitahan.

15.  Paulit-ulit na reconstruction ng mga kalye.  Dahilan din ng traffic.  Kahit walang sira ang kalye ay sisirain at aayusin ng paulit-ulit para makakuha ng 'kickback' ang mga politiko/government officials.

16.  Sinisisi parati ang walang kasalanan.  Tuwi na lang may nasasagasaan ng tren ay kasalanan ng driver ng tren.  Kahit pa nagpakamatay ang tao sa pagtalon sa riles.  O pilit na tumawid ang tricycle na overloaded at hindi nakaabot. 

17.  Bobo ang mga Pilipino.  Kaya rin hindi makakilos ng maayos ang mga public officials ay dahil sa parating baluktot na reaksyon ng mga tao.  Tulad na lang nung hostage crisis nung mga Hongkong tourists.  Ang tamang ginawa ay pinatay na nuong una pa lang ang suspek.  Pero walang makapagutos nito sa takot sa magiging reaksyon ng bobong publiko.

Siguro yan lang ang mga naisip ko sa ngayon pero napakarami pa.  Kaya kung ikaw ay foreigner at pwede ka tumira sa kahit saang bansa, wag ka ng magkamali sa pagpunta sa Pinas...

No comments:

Post a Comment