Friday 11 July 2014

Hazing Again


So meron na naman bagong victim ng hazing.  Ewan ko ba, deadma lang ako ako pag may naririnig akong ganito.  Iniisip ko kc, kasalanan din naman yon nung victim, sino ba ang ginustong sumali sa frat?  Minsan lang naccurious ako pag close sa school na pinanggalingan ko.  Naalala ko pa ung mga frat wars nung college, nkakaloka.  Mejo nainvolve din ako kc may naging bf ako (fleeting lang) na fratboy na kinaliwa ko.  Tapos sinugod nila ung naka-affair ko hahaha!  Naguilty tuloy ako at napag-initan sya ng frat.  Di ko naman ma-get ung frat, isipin mu susugurin nila ang isang tao tapos isang dosena sila, para namang may tangang papatol sa kanila diba?

Wala lang, mas efficient na pala ngayon ang mga pulis ha, nailabas na agad ang names at pix ng suspects.  Kawawang mga magulang haaaaay.  Ewan ko ba bat pag bata pa tayo eh para tayong mga walang isip, kung anu-anung gulo ang pinapasok natin.  Buti na lang ung iba maswerte at walang napasok na gulo na sisira sa rest of their life…

No comments:

Post a Comment