Thursday, 12 February 2015

Random Musings


Ok so I’m bored again in the office, bakit ba ang dami ko laging free time??!  Ang hirap kc if you’re SO efficient hahahahaha!  Ok so my former team eh parang deadma na sakin ngayon…pero d naman sila lahat.  ‘Yung isa sa kanila actually hindi ko alam kung crush ba nya ‘ko o ano, nagask pa if magkakaron ako ng sarili kong team & if pde sya lumipat, haha! I don’t know basta lagi sya paimpress sakin.  Pag nasa meeting very conscious sya sa tingin ko sa kanya.  Di ko naman maisip na crush nya ko kc para syang closeted bading talaga.  Saka this is not offensive in any way because he really has a very good work attitude & performer talaga!  And I have 2 of my former teamleads who I think remain to be my special friends.  I am happy to have gained friends kahit na direct reports ko sila.  Nakita naman siguro nila panu ko sila inalagaan at sinuportahan nung tao ko pa sila.  Na hindi naman personal kundi dahil performer naman talaga sila!  Well I kinda miss them pero aren’t I in the ideal position now?  Management level, same sweldo, pero walang hawak na tao?  Saya!!! :D

Anyway kanina parang naririnig ko sila naguusap about their next teambuilding---kasama ang bago nilang manager.  Siguro I had a ‘twang’ of inggit pero dba teambuildings w/ them are things I really DESPISED before?  So now I’m free!!!  I don’t have to join them & makisama, I have my personal time back!!!

Kahapon lang nairita ako kc magspend sana kami nung prize money naming dun sa little Xmas party contest namin, tapos last minute ba naman ako sinabihan, samantalang ung iba alam naman dahil nagchange shift pa sila.  Anyway, d naman nila responsibility na sabihan ako besides I’m a manager kaya d ako nakakasama sa usual usapan nila.  Pero ung bubwit na nagsabi sakin I’m sure sinadya nya yon.  She can’t be trusted.  Close kc sya dun sa isa kong nemesis dito sa company.  Oo nga pala, there is this girl in the company that I replaced (1st job ko dito sa company).  And for some reason, napapansin ko, lahat ng nagiging kaclose nya nagkakaron ng contempt sakin.  I don’t know why.  Walang reason para mainggit sya sakin.  She has the “perfect career” in the company.  Sya ang kinaiinggitan ng lahat.  Pero di ko lam anung meron sya against me, bakit kelangan nyako siraan, etc..  Basta halatang-halata. 

Hay nako nagugutom ako.  Kc ba naman nitry ko ung bagong Thai resto sa foodcourt.  Kakaloka, almost 160 pesos ung binili kong lunch eh ksya yata yon sa isa o dalawang subo, walang kalaman-laman.  Puro kanin lang.  May apog pa ung baklang nagtitinda na magsabing paborito yon ni Kris Aquino, sabi ko “bakit kilala ba yang resto nyo?”  “Meron nap o kami sa Ortigas na dinadayo ni Kris Aquino.”  Well, basing on KrisTV mukha namang WALANG TASTE si Kris sa pagkain…

So I learned there’s this new viral video of the Mamasapano incident.  Grabe daw at overkill (syempre hindi ko maview kc nandito ako sa ofc!).  Sabi na, you shouldn’t deal w/ terrorists.  I’m sure tinago naman nila si Marwan at ipinagtanggol ang mga terorista kaya ginanon ang SAF.  Pero kung ako ang nasa posisyon hindi ko rin alam anong gagawin ko.  It’s easy to say not to condone terrorism pero ano gagawin natin if walang peace talks?  Civil war teh?  Di ko yata feel magkaron ng gyera dito sa Pinas.  Eto kasing mga Muslim na ito d ko talaga maintindihan ang peg…

Ok so I’m recovering a little, hindi nako ganon kadepressed sa life ko---sana.  Ayoko na umiyak gabi2.  Nagkamali akong magpakasal.  Ang hirap pala teh.  Ewan ko ba bat sa media eh parang getting married is so good, na parang dapat lahat magasawa, d dapat maging single…baket?  Ang sarap kaya ng single life…kung maibabalik ko lang! ;)

No comments:

Post a Comment